Waah... Sa dami naman ng mga dapat ko pang gawin eh nakukuha ko pang mag-blog consistently. Obligasyon ko sa sarili yan bago magpasukan, pero baka maudlot na dahil ang dami ko talagang ginagawa ngayon. Eh 18 units lang naman ako na may isang lab plus 2 pe at nstp. Underload pa nga ako, dapat 21 units kami ngayon. (Paslang ako sa adviser ko.)
***
Unique. Ibig sabihin daw nun ay unique ako sabi ng instructor ko sa stat lab.
Hay naku, nagsimula yun sa pulse rate.
Mahigit 40 beats per minute lang daw ako sabi ni groupmate no.1 after two trials.
At dahil nagpapatawa yung isang group, more than 70 beats per minute naman sabi ni groupmate no. 2...
???
Second ang body temp.
Aba, 36.0 deg-C lang ako, hehehe. Ang normal kasi yata ay around 37.0 deg-C...
Marunong naman akong magbasa ng thermometer. Akala ko nga mas mataas pa yung makukuha ko sa normal eh, ang init kasi nun. Eun, tinutukso na ko ng mga groupmates ko na pang-patay daw yun. Rawr.
Lastly, ang waist to hip ratio.
16:1 ang ratio ng within and outside the ideal range sa lab class namin. Syempre ako yung nag-iisa, yung outside sa range ng ideal waist to hip ratio. Huhuhu. Kahit anong gawin kong ulit ng pagsusukat, outside pa din ako sa ideal for women.
Kamusta naman yung ibig sabihin nun?
Sabi nung instructor ko, unique lang daw ako.
Sabi nung lab manual, yung mga outside the ideal daw ay mas prone sa diseases...
at yung mga nasa ideal ay pinanganak daw na mas attractive at mas smart ayon sa study na ginawa.
Hmmmp!
***
Tinanong ako ng nanay ko kung umiibig na daw ba ko. (???)
Hindi na daw kasi ako tumaba simula nung magkasakit ako nung bakasyon, tapos lalo pa daw akong pumapayat ngayon.
Ganun din sabi ng tatay ko, ang laki daw ng ipinayat ko.
At kung sino-sino pa ang nagsabi na ang payat-payat ko daw ngayon.
Gusto ko sanang isagot na nangangayayat siguro ako dahil sa sama ng loob.
Ano naman kasi ang kinalaman ng pagpayat sa pag-ibig na yan.
Nakarinig na naman tuloy ako ng mga katulad ng Tapusin muna ang pag-aaral.
Ilang ulit ko ng narinig yan. Ilang ulit ng na nabasa. Nasaktan na din ako ng dahil dyan. Pero in my better moments eh naiintindihan ko naman yan.
Sabi nung marami, dahil daw sa pag-aaral. Pwede rin. Pakiramdam ko talaga kasi na ang dami-dami kong dapat bawiin, na marami akong nasayang na oras. Nung kausap ko si Kuya Alex through Skype last summer, sinabi niya na wag daw akong nagmamadali sa buhay, na mahaba pa ang panahon.
I've read somewhere that There is a big difference between giving up and resigning yourself to things... and I don't know what I just did.